MGA
PANGAKO NG PANGINOONG HESUS
SA MGA MAY
DEBOSYON
SA KANYANG
KAMAHAL-MAHALANG PUSO
Ipinahayag ng Panginoong Hesus kay Sta. Margaret Maria
Alacoque (1647-1690), miyembro ng Visitation monastery sa France, ang
labindalawang pangakong ito sa isa niyang pagpapakita sa mongha. Dahil kay Sta.
Margaret Maria, naging higit na laganap ang dati nang debosyon sa Mahal na Puso
ni Hesus sa buong simbahan. Sa pagtutulungan ng santa at ng kanyang spiritual
director na si San Claude de la Colombiere na isang paring Heswita (1641-1682),
lubhang naging tanyag ang debosyon sa paraang natutunghayan natin sa ating
panahon ngayon.
1.
Pagkakalooban ko sila ng lahat ng biyayang kailangan nila sa kanilang kalagayan
sa buhay. (Ang kalagayan o estado sa buhay na binabanggit ay tumutukoy ito sa tanging
bokasyon ng isang tao kung saan isinasabuhay niya ang kanyang pagsunod kay Kristo,
halimbawa: bilang may-asawa, binata o dalaga, at pari, madre o relihyoso).
2.
Pagkakalooban ko ng kapayapaan ang kanilang mga tahanan at muling pag-uugnayin
ang mga wasak na pamilya.
3.
Aaliwin ko sila sa lahat ng hinaharap nilang hilahil o paghihirap sa buhay.
4.
Ako ang magiging matibay na takbuhan nila sa buhay, at lalo na, sa oras ng
kamatayan.
5.
Igagawad ko ang masagang pagpapala sa kanilang mga gawain.
6.
Makakatagpo sa aking puso ang mga makasalanan ng bukal at malawak na karagatan
ng awa.
7.
Ang mga kaluluwang nanlalamig na ay magiging muling maalab.
8.
Ang mga kaluluwang taimtim ay mas madaling makararating sa mataas na antas ng
kabanalan.
9.
Babasbasan ko ang lahat ng lugar kung saan ang imahen o larawan ng aking puso
ay nakatanghal at pinararangalan.
10.
Bibigyan ko ang mga paring may matimyas na debosyon sa aking Banal na Puso ng
biyaya na magpalambot maging ng mga pinakamatigas na puso.
11.
Isusulat ko sa aking puso ang pangalan ng mga magpapalaganap ng debosyong ito.
12.
Ipinangangako ko, sa nag-uumapaw na awa ng aking Puso, na ang aking
makapangyarihang pag-ibig ay magkakaloob ng biyaya ng pagpupunyagi hanggang sa
dulo ng buhay, sa mga tatanggap ng Banal na Komunyon sa siyam na sunud-sunod na
Unang Biyernes. Hindi sila mamamatay na walang grasya, o na hindi nakatatanggap
ng mga huling sakramento. ang
aking Banal na Puso ang magiging ligtas na takbuhan nila sa kanilang huling
sandali.